Sunday, January 13, 2013

Good morning :D

Ang hirap magpanggap na good mood ka kung hindi naman talaga. Para bang wala kang choice kapag may nakatingin sayo. Dapat ba akong ngumiti o sumimangot para sirain din ang mga umaga nila. (HAHA) Minsan kahit alam mong hindi kaaya-ayang tignan ang nakasimangot mong mukha ay wala ka talagang magagawa. Hindi ko kayang ngumiti na nakasimangot. (TRY  MO) Kapag ako'y bad mood tiyak na sisimangot ako may nakatingin man o wala. (TARAY)

Kanina lang ay marami na akong nabiktima gawa ng pagsisimangot ko umagang-umaga. (HAHA!) Pasensya na po kayo dahil ako'y antok na antok pa at ginising na nila ako bago pa mag-alarm ang aking relo. (NAKAKAINIS NGA NAMAN TALAGA)

Pasensya na po sa mga sumusunod:
-sa guard ng school
-sa gasoline boy dun sa shell before magbel-air
-sa driver ng truck na nakasabay ko sa traffic
-sa mga nakapila sa bus terminal
...at sa kung sino pa man ang nakasaksi ng aking pagsisimangot sa araw na to. (HAHA) Hindi ko po sinasadyang mapasama kayo sa nakasimangot kong umaga, gayon pa man ako po'y nagnanais na kayo'y magkaroon ng makabuluhang lunes! Adios!

No comments:

Post a Comment