"It's More Fun in the Philippines", ito ang bagong pakulo ng Department of Tourism para sa mga dayuhan. Marami mang di' sumang-ayon dito ay, mahigit parin ang nagandahan. Sabi pa nga ng iba ay simple lang ngunit may dating at mas maiintindihan ng mga turista. Saan ka man magpunta mapamall, park, paliparan at kahit sa daan ay nakahilera and mga poster na may iba't-ibang larawan ng mga magagandang tanawin sa bansa. Sa tingin ko naman ay "more fun"nga talaga! Dahil sa kahit sa internet ay napag-uusapan nadin ito hindi lamang ng mga pilipino, kundi pati nadin and mga ibang lahi. Minsan nga ay napapatanong pa sila tungkol sa bansa, syempre tayo naman itong mapagmalaki ay bigla-bigla ding sasagot na maganda nga talaga dito sa ating bansa. At totoo, maganda naman talaga ang ating bansa.. hinding-hindi ko ipagkakaila!
Tayong mga Pilipino ay tiyak na magaling sa iba't-iabng larangan. Sa totoo lang, kahit saang sulok ng mundo ay may mga pilipinong matino! Hindi po ba?! Minsan nga naiisip ko, bakit kaya nadadaig ng mga bobo ang mga matitino? Bakit? Tunay kaya silang matino?! Ewan!!
Ang isang sabi ay nag-iiba ang kahulugan kung bibigkasin ito ng patanong. "It's more fun in the Philippines" eh kung gawin nating, "Is it more fun in the Philippines?" "Is it more fun to be a Filipino?" Yan po ang mga tanong na maraming nakakabobong sagot! Hindi sa ikinahihiya ko na isa akong Pilipino sa buong buhay ko at hindi na magbabago pa. Kailangan ko lang po itong ilabas, ito ay isang panandaliang inis lamang at ng mabigyan din ng karamay ang mga taong may parehong nararamdaman.
"Is it more fun in the Philippines?" Sa dinami-dami ba naman ng bansa sa mundo, sa Pilipinas pa talaga? Kaya ba nating iprove 'to? Sabihin nating meron parin namang mga tao na concern sa kalagayan ng bansa at hindi sa yamang makukuha dito. Nasa posisyon o ultimong mamamayan ay kayang ipakita na ginagampanan ang mga responsibilidad may nakatingin man o wala! And pagbabago na gusto mong mangyari sa paligid mo ay dapat na magsimula sayo! Kahit bata basta't alam ang pagkakaiba ng tama sa mali ay kaya ng mamuhay ng tapat sa lahat. Nakakainis nga lang isipin na kung sino pa ang beterano sa tama o mali ay siya pang gumagawa ng kalokohan.. Siya pang sinungaling, manloloko, kriminal at bobo! Nakakabadtrip na sa paggising mo sa umaga, maririnig mo sa balita lahat ng kaguluhan, krimen na sisira ng araw mo. Nako po! Mag-isip muna bago ipaglantaran sa buong mundo ang mga kasinungalingan!
"Is it more fun to be a Filipino?" Maraming "nagsasabing, lahi-lahi ang pag-uugali". Ibig ba sabihin na pagkirminal ang mga magulang mo ay maging kirminal kana lang din? NO choice ba kuya?? Ay tanga! Dapat lahat ay naniniwala na kaya ang pagbabago! Ang sarili mong mga paa ang iyong itatayo at sarili mong mga kamay ang may hawak ng lahat. Alangan naman hihiram pa ko ng bang kamay para ng matulak ka bigla sa pagbabago! Wag kang duwag!!!Kung matapang kang makipaghabulan sa mga pulis dahil sa isang pitakang hindi mo din alam kung may laman o wala, bat duwag kang makipaghabulan at labanan ang mga nakaraan mo?!!! Kahit sino mang matinong Pilipino ay mapapamura ng dahil sa katangahang ginagawa ng kapwa niya. Libre maging tanga wag lang araw-arawin! At alam naman nating lahat na literal na matigas ang ulo pero wag naman sana nating ipaglantaran pa na, "OO! Matigas nga!"
"Excuse me", sa lahat ng nadaanan at "Sorry" sa mga natamaan! Marami man akong hindi nabanggit, hindi ko po talaga babanggitin kasi baka may umiyak na! Sana parang pagkokompyuter lang ang pagpapatakbo ng isang bansa!... na isang pindot lang ng "delete", maglalaho agad lahat ng kurap at masasama... isang backspace lang pantay-pantay na agad tayong lahat para wala ng naaapakan at naiiwan... na isang refresh lang ay OK na ulit lahat.
"Excuse me", sa lahat ng nadaanan at "Sorry" sa mga natamaan! Marami man akong hindi nabanggit, hindi ko po talaga babanggitin kasi baka may umiyak na! Sana parang pagkokompyuter lang ang pagpapatakbo ng isang bansa!... na isang pindot lang ng "delete", maglalaho agad lahat ng kurap at masasama... isang backspace lang pantay-pantay na agad tayong lahat para wala ng naaapakan at naiiwan... na isang refresh lang ay OK na ulit lahat.
No comments:
Post a Comment