Sembreak na!! Anong saya ang naramdaman ko habang naririnig ko ang aking mga kaklaseng
nagsisigawan sa tuwa. Sa wakas sembreak na!
Bago pa man magsembreak ay marami na akong naisip na gagawin
para naman masulit ko ang konting bakasyon. Marami akong naisip na lugar na
gusto kong puntahan, mga taong gusto kong Makita at mga pagkaing minsan ko lang
natitikman sa loob ng isang vegetarian na unibersidad. Hindi lang naman siguro
ako ang nag-iisip ng mga bagay na ganun J
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay naming lahat sa
klase--- SEMBREAK!!!! Hindi ko mabilang ang mga nagsasabing YESSSS!!!! At sa
sarili ko mismo ay hindi ko maiwasang tumawa at lumundag sa tuwa na OO NGA
SEMBREAK NA!!! GRABEE!!! J
Ang saya-saya ko lang talaga nong mga panahing yun!
Sa unang gabi pa lamang sembreak ay wala akong sinayang na
oras para bawiin lahat ng tulog ko. Kinaumagahan ay ipinagluto ako ng aking
butihing ina ng aking paboritong `TAPSILOG!!! OH YEAHH, THIS IS LIFE!! J at hindi pa tumigil
ang mga masasarap at nakakatakam na pagkain sa almusal, kundi hangang matapos
ang buong unang araw ng sembreak. At nang gabing iyon ay ang napahimbing kong
tulog sa buong 2012 –SWEAR!! J
Ang unang isang lingo ng sembreak ay talagang `RECORD HOLDER!!!
Waley akong masabi.. Isang umaga, nagising akong tulala, walang kabuhay-buhay
na morning at napaisip ako. Akala ko ba sasaya ako pagsembreak na, ba’t parang
ang BORING naman. Tama! Ang BORING na talaga ng walang pasok, at least sa
school kahit may exam o quiz.. at least may ginagawa ako! Kasi sa bahay kahit
na sabihin nating nakakain mo yung mga pagkaing gusto mo, makakapagbabad ka sa
internet hanggang umaga, makakachat mo yung mga taong namimiss mo..pero
pagtumagal nakakaBORED din pala. Hinahanap-hanap mo din yung mga gulo sa
school, yung mga walang humpay na tawanan, yung mga `UY MAY QUIZ BA TAYO? Kahit
minsan bumabagsak sa quiz eh talagang nakakamiss din pala kapag wala na. At ngayong PASUKAN NA naman, parang pareho
lang din yung nararamdaman ko na.. nasasabik din ako, natutuwa, at nagagalak na
makitang muli yung mga taong nakakatanggal BOREDOMJ
No comments:
Post a Comment